Wednesday, April 8, 2009

Sa ikalawa, Pwede na









Pagkatapos ng mahabang pahinga, 
heto't nagbabalik na naman siya - 
si Serena at ang mga litrato niya.

Tila ganito na ata talaga, 
Bawat kuha'y kakaiba,
tingin niyo? Ayos naman hindi ba?

Pero dito iyong makikita,
Natural na ganda niya,
Na tila hindi magagawa ng iba.

May pula, may dilaw,
may kulubot, may bughaw,
iba-iba bawat pindot sa kamera.

Maaring ang iba'y hindi makita,
maaring may kung anumang abala,
Pero kung iyo'ng titigan,
Tila dadalhin ka sa karimlan.

Sana'y inyong nagustuhan,
Hanggang dito na lamang.

0 comments: