Thursday, February 4, 2010

Buwan ng Wika sa buwan ng Enero


Matagal na rin akong hindi nakakapagsulat ng Filipino.

Kahit ba sabihin nating ito ang pangunahing linggwaheng ginagamit ko sa araw-araw, iba parin ang pakiramdam na makapagsulat gamit ang sarili mong wika.

Hindi naman siguro masama na kahit minsan, balikan mo ang pinaglakhan mong wika.

Kumusta naman kaya ako pagkatapos ng dalawang buwan kong pagtrabaho bilang manunulat?

Masaya.

Yun naman talaga ang importante sakin e.

Mahirap, sa kabilang dako.

Dahil hindi sapat ang kinikita ko.

Pero alam ko namang darating ako dun.

One step at a time, ika nga.

Sa ngayon, nagpapakalango na lang muna ako sa trabaho.

Hanggang dumating ang panahon na masasabi ko'ng, ito na yun.

Pero sana po Panginoon ko, dumating na siya sa lalong madaling panahon.

Pressure ba Lord? :)

0 comments: