Monday, February 8, 2010

Kaibigan mo lang ako


BUJOY: Nagpromise ka sakin na hindi ka malelate.

NED: Kaya ako nalate dahil sinundo ko pa si Mary Ann.

BUJOY: Nagpromise ka rin sa akin na hindi mo isasama ang Mary Ann na yan.

NED: Okay, kaya ko sinama si Mary Ann kasi mag-on na kame. At syempre ikaw ang gusto kong ikaw ang unang makaalam nun dahil ikaw ang bestfriend ko.

BUJOY: Get out of my way.

NED: Hindi ka ba masaya para sa akin.

BUJOY: Get out of my way.

NED: Bujoy, hindi ba ito ang gusto mo?

BUJOY: I said, get out of my way!

NED: Ano bang nangyayari sayo?

BUJOY: Wala kang pakealam!

NED: Hindi na kita maintindihan e

BUJOY: Kelan mo ba ako inintindi?

NED: Direchuhin mo nga ako, dahil hindi ko kayang basahin kung anung andiyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sakin, sabihin mo sakin kung bakit. Kung nasaktan kita, sampaling mo ako, sige gantihan mo ako. Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ako.

BUJOY: Oh yes kaibigan mo ako. KAIBIGAN MO LANG AKO. And that’s all I ever was to you Ned. Your bestfriend. Takbuhan mo kapag may problema ka. Tagasunod, tagabigay ng advice. Taga-enroll, taga-gawa ng assignment. Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka. Taga-tanggap ng kahit ano. AND I’M SO STUPID TO MAKE THE BIGGEST MISTAKE OF FALLING IN LOVE WITH MY BESTFRIEND. Dahil kahit kailan, hindi mo naman ako makikita e. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan.

NED: Bujoy!

BUJOY: Ngayong alam mo na, I think you can get out of my life.

NED: Bujoy, mahal kita. Mahal na mahal kita kaya siguro duwag ako. Kung magkarelasyon tayo, pano kung masaktan kita. Baka pati ikaw Bujoy na kaibigan ko mawala pa. Bujoy, hindi kita kayang mawala sa buhay ko.

BUJOY: Anong gusto mong sabihin ko Ned? Anong gusto mong maramdaman ko? Mahal mo ako pero hindi mo naman kayang ipaglabang ang pagmamahal mo sakin. Gusto mong maniguro. NED HINDI KA LANG ISANG DUWAG, MAKASARILI KA.

(ENTER MUSIC: NANGHIHINAYANG BY JEREMIAH)

0 comments: