Nahihirapan nako. Nalilito.
Heto na naman tayo, san mo ba talaga gusto?
Hindi ko alam.
Bakit?
Ewan.
Anu ba gusto mong gawin?
Magsulat.
Yun naman pala, ba't di mo gawin.
Ang tanong kasi, kaya ko ba?
Bakit hindi?
Natatakot lang ako.
Anu ba kasi kinatatakutan mo?
Sarili ko. Kumpetisyon. May tatanggap ba sakin?
Mahirap, oo. Pero bakit di mo subukan?
Sinubukan ko na.
Hanggang dun ka na lang ba? Susuko ka na lang ba?
Gusto ko pang magpursigi. Pero...
Pero anu?
Pero walang tumatanggap sakin.
Hindi lahat ng bagay nakukuha ng ganun-ganun lang.
Pano?
Tuloy-tuloy lang. Wag mong isuko. Wag kang matakot.
Nawawalan nako ng lakas ng loob.
Lumang tugtugin na yan. Hindi na uso yan.
Hindi ako nagpapatawa.
Hindi rin naman ako nagpapatawa e. Ituloy mo lang.
Hanggang kelan?
Hanggang makuha mo. Hanggang maabot mo.
Tutulungan mo ba ako?
Sarili mo lang ang makakatulong sayo.
Pano pag di ko kinaya magisa?
Andyan ang mga taong nagmamahal sayo. Hindi ka nila iiwan.
Handa ba silang tulungan ako?
Sigurado ako.
Sige. Kakayanin ko. Lalaban ako.
Bakit?
Dahil ito ang gusto ko. Ito ang sinisigaw ng puso ko.
Magpapatalo ka ba?
Hindi. Walang sinuman, anuman ang makakapigil sakin.
Hanggang saan? Hanggang kelan?
Hanggang humihinga ako. Hanggang tumigil ang tibok ng puso ko.
Ayan naman pala e.
Salamat ah?
Walang anuman. O ano? Magtatrabaho na ulit ako.
Sige ako din e.
Hanggang sa muli.
0 comments:
Post a Comment