Saturday, June 19, 2010

Kung buhay pa si Pepe

Sa ikasandaa't apatnapung kaarawan ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda, biglang kong naisip na paano na lang kaya kung buhay pa si Pepe?

Ano kaya ang itsura niya? Ano kaya ang iniisip niya? May position kaya siya sa gobyerno?

Kung buhay pa si Pepe...

Tutulugsain niya panigurado ang bawat buhay na jejemon sa Pilipinas. Hindi. Hindi po ako galit sa mga jejemo'ng ito.

Sabi nga ni Rizal, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, mas malansa pa sa isda".

Mula roon, naisip kong magiging anti-jejemon si Rizal. Hindi lang nila binago ang wikang Filipino, binaboy pa ito.

Kung buhay pa si Pepe...

Siguro nangibang bansa na siya, lalo pa't kelangan ng mga doctor sa ibayong bansa. Sigurado'ng mayaman na siya ngayon at may sariling bahay sa Amerika.

O di kaya'y nag-aral ulit ito ng Nursing. Marami rin ang nangangailangan ng nurse sa bansa tulad ng Canada at Amerika, sigurado'ng magkakatrabaho siya doon.

Kung buhay pa si Pepe...

Baka nagpapalit na to ng pangalan. Mula sa Jose, kikilalanin na natin siyang Joe. Mas maganda nga naman sa tenga, mas commericalized.

Kung buhay pa si Pepe...

Mas magiging maayos kaya ang Pilipinas? Mas maunlad? Mas kaaya-aya?

Tingin mo? Kung buhay pa si Pepe?

1 comments:

Anonymous said...

kung buhay pa si Pepe, sobrang tanda na nya Cyp... but if he remain as is... hindi na sya aalis ng bansa, ipaglalaban nya ito tulad ni Ninoy.. si Pepe ang President! ;)... miss you, mwuahhh!