Monday, May 11, 2009

Yan si Nanay

Nanay, Ina, Mama,
Mommy, Inay, o kung anu pa
Anumang itawag ko sa kanya
Iisa ang mahalaga, mahal na mahal ko siya.

Hindi ako lumaki sa piling niya
Namulat sa buhay nang wala siya
Ilang pasko'ng mag-isa
Ngunit sa puso ko, siya lang ang nag-iisa.

Ang bawat tawag mo
Bawat sentimong pinapadala mo
Nais kong malaman mo
Lahat ng yun, sinuma'y walang makakatalo.

Hindi ko magawang magalit sayo,
Ultimo tampo'y wala sa isip ko,
Dahil lahat inako mo,
Lahat ng hirap, sayo'ng sayo.

Sa bawat pagod at hinagpis,
Sa lahat ng iyak at pawis,
Hayaan mo'ng ibalik ko,
Sa paraang alam at kaya ko.

Kaya sa araw na'to,
Gusto kong malaman mo,
Ma, sobra-sobra ang pasasalamat ko,
Sa lahat ng bagay na ginawa mo.

Ma, Happy Nanay day at sa lahat ng nanay sa mundo!

Tuesday, January 13, 2009

Paglisan

Maraming nang nagbago
Maraming nang umalis
Maraming nang-iwan
Ang iba nama'y lumihis

Ang akala mo'y masaya
Yun pala, malungkot
Akala mo ngiti
Yun pala, luha ang dulot

Araw ng kapaskuhan,
Habang nagpuputukan 
Pakiwari'y tuwa ang dala
Yun pala, kalungkutan

Hindi mo inaasahan ang lahat
Hindi mo ninais man lang
Hindi mo kahit naisip
Hindi mo inaakalang hanggang don na lamang

Ngunit hindi pa ito ang katapusan
Ng masaya mo'ng buhay
Andyan ang kapamilya't kaibigan
Tutulangan ka, buhay ay lalagyan ng kulay

Marami nang nagbago
Marami nang umalis
Maraming nang-iwan
Pero ang Diyos, hindi kelanman aalis

*** This I dedicate to a girl who loved and lost. What you are going through right now is just a mere part of your being. However, there's always a light at the end of the tunnel. You will find someone better, someone who will love you the way you should be loved. 

Wednesday, December 10, 2008

Usapang sarilinan

O, anu'ng problema mo?
Nahihirapan nako. Nalilito. 
Heto na naman tayo, san mo ba talaga gusto?
Hindi ko alam.
Bakit?
Ewan.
Anu ba gusto mong gawin?
Magsulat.
Yun naman pala, ba't di mo gawin.
Ang tanong kasi, kaya ko ba?
Bakit hindi?
Natatakot lang ako.
Anu ba kasi kinatatakutan mo?
Sarili ko. Kumpetisyon. May tatanggap ba sakin?
Mahirap, oo. Pero bakit di mo subukan?
Sinubukan ko na.
Hanggang dun ka na lang ba? Susuko ka na lang ba?
Gusto ko pang magpursigi. Pero...
Pero anu? 
Pero walang tumatanggap sakin.
Hindi lahat ng bagay nakukuha ng ganun-ganun lang.
Pano?
Tuloy-tuloy lang. Wag mong isuko. Wag kang matakot.
Nawawalan nako ng lakas ng loob.
Lumang tugtugin na yan. Hindi na uso yan.
Hindi ako nagpapatawa.
Hindi rin naman ako nagpapatawa e. Ituloy mo lang.
Hanggang kelan?
Hanggang makuha mo. Hanggang maabot mo.
Tutulungan mo ba ako?
Sarili mo lang ang makakatulong sayo.
Pano pag di ko kinaya magisa?
Andyan ang mga taong nagmamahal sayo. Hindi ka nila iiwan.
Handa ba silang tulungan ako?
Sigurado ako.
Sige. Kakayanin ko. Lalaban ako.
Bakit?
Dahil ito ang gusto ko. Ito ang sinisigaw ng puso ko.
Magpapatalo ka ba?
Hindi. Walang sinuman, anuman ang makakapigil sakin.
Hanggang saan? Hanggang kelan?
Hanggang humihinga ako. Hanggang tumigil ang tibok ng puso ko.
Ayan naman pala e.
Salamat ah?
Walang anuman. O ano? Magtatrabaho na ulit ako.
Sige ako din e.
Hanggang sa muli.