Wednesday, March 18, 2009

Kung buhay pa si Ninoy

Paano nga kaya kung buhay pa at humihinga si Ninoy ngayon?

Paano nga kaya ang buhay ng mga Pilipino?

Hindi ko alam kung walang crisis, di ko rin alam kung aangat ang ekonomiya ng mga Pilipino. Pero ang alam ko, sa tapang at galing ni Ninoy, may pag-asa tayo.

Sa ipinamalas niya talino at husay, maaaring may pag-asang umangat ang Pilipinas at bumalik sa dati nitong ganda at galing sa harap ng ibang bansang nakapalibot dito.

Pero bigla kong naisip, magiging "corrupt" kaya si Ninoy tulad ng ibang nasa posisyon?

Maaaring oo. Maaaring hindi.

Alam nating mayaman ang pamilyang pinanggalingan ni Ninoy, pero hindi ibig sabihin nito na hindi niya maaaring gawin ang ginagawa ng kasalukuyang gobyerno.

Pwede nating sabihin na kaya ni Ninoy iangat ang bansa, kaya ni Ninoy lumaban sa gitna ng walang katapusang problema sa hirap at korupsyon, kaya ni Ninoy mamuno.

Kaya ni Ninoy lahat ng to.

Ang tanong?

Kaya ba ng mga Pilipino tumulong?

2 comments:

jon said...

I AM NINOY! ARE YOU? http://www.iamninoy.com/

Jepoy Malinao said...

I am proud to be a Ninoy! Let's all be!